



(My Project in FILIPINO. :b )
Mapagpalang umaga sa inyo, aking mga kaklase at sa’yo, Bb. Diana. Ako’y na sa inyong harapan ngayon upang maghayag ng ilang katotohanan pati na rin ang aking ilang opinyon ukol kay Ninoy Aquino. Anak nila Ninoy at Cory, kapatid ni Krissy at tito ni Baby James. Yan si Noynoy sa paningin ng maraming tao ngunit sino nga ba siya? Bakit siya ang karapat-dapat na maihalal na pangulo sa nalalapit na eleksyon?
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III o mas kilala bilang Senador Noynoy Aquino ay laging tinitignan ang Pulitika bilang instrumento sa pagbabago. Isang perspektibo na kanyang pinaghawakan simula pa sa kanyang pagkabata dahil na rin sa mga halimbawa na ibinigay ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa Senado at Kamara, sadyang may ibang plano ang tadhana, sa pagpanaw ng kanyang ina na si Dating Presidente Cory Aquino, ang lipunan, ang mga mamamayan ay inudyok siya na tumakbo bilang presidente. Hindi siya nagpadalos-dalos, Hiningi niya ang opinyon ng ilang pari at spiritual leaders. Hinimay-himay niya ang kanyang mga kakayahang magpatakbo ng isang bansa. Siya ay kwalipikadong magpatakbo ng isang nasyon dahil siya’y naging kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac sa loob ng tatlong termino at Senador naman ngayon. Si Noynoy ay nangako sa Diyos at sa bayan na hindi siya magnanakaw. Di ba karamihan ay naniwala? Bakit? Dahil siya ay may pinoprotektahang pangalan. At sa lahat ng pinagdaanan ng kanyang pamilya, paniguradong hindi niya matataim na Makita ang mga Pilipinong minsan nang ipinaglaban ng kanyang mga magulang na naghihirap. “Wala akong materyal na bagay na ipamamana sa’yo, ang tanging maipamamana ko lang ay ang aking pangalan.”, ang bilin ni Ninoy kay Noynoy noong nasa gitna sila ng Batas Militar. Namatay ang kanyang ama para sa bayan, at nabuhay ang kanyang ina para maisalba ang bayan. Isang katotohanang kahit na kailan ay di kayang baliin ng anak na sobrang minamahal ang kanyang mga magulang. INTEGRIDAD, yan ang mayroon siya! Mayroon siya na mahirap makita sa isang MAGASTOS NA BUSINESSMAN, TUTA NG ATING PANGGULO ESTE PANGULO at lalo na, ISANG DATING PRESIDENTENG PINAALIS NG TAONGBAYAN.
Paano nga ba tayo nakasisiguro na kapag may galing at talino ay magiging mabuting presidente? Hindi ba’t ang ating pinakamatalinong Presidente na si Marcos at naging diktador? Isipin natin kinabukasan. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa pagnanakaw ng ilang mga nakatataas sa kaban ng bayan? Tama na, sobra na! Masyado nang maraming naagrabyado at naghirap. Iboto ang wasto. Iboto ang kwalipikado. Iboto ang nararapat. Hahayaan pa ba nating maulit ang nakaraan? Hahayaan pa ba nating mawala ang demokrasyang ipinaglaban? Isang presidenteng magkakapagtiwalaan, yan ang ating kailangan. Hayaan niyong ituloy ni Noynoy ang labang nasimulan, dahil naniniwala ako na ang kanyang hangad at ating makamit ang hustisya, kapayapaan at pag-unlad ng bayan. Bumoto ng tapat, iboto ang nararapat. Wala ng iba kundi Benigno Aquino III, may dugong bayani, may pusong bayani.